Online Voice Recorder

Pindutin ang mikropono na icon upang simulan ang pagre-record

Libreng Online Voice Recorder: Mag-record ng anumang tunog at i-download ang audio file

Gusto mo bang makapag-record ng tunog? Ang aming libreng Online Audio Recorder ay nagbibigay-daan sa iyo na makapag-record ng iyong boses, panayam o anumang tunog gamit ang iyong mikropono. Maaari mong gamitin ang aming audio recording software sa iyong computer, sa iyong tablet, o sa iyong mobile.

I-record ang iyong boses, piliin ang bahagi ng recording na iyong nais panatilihin at i-download ang audio file ng libre. Simple at maraming ginagawa, masasabing ito ang pinakamahusay na online voice recorder.

Paano mag-record ng anumang tunog gamit ang aming Online Audio Recorder?

  1. Pindutin ang mikropono na icon upang simulan ang pagre-record,
  2. Pahintulutan ang iyong browser na gamitin ang iyong mikropono,
  3. Simulan ang pagsasalita o gumawa ng tunog.

Bakit mo dapat gamitin ang aming Online Voice Recorder?

Ito ay wastong-wasto, madaling gamitin, at libreng-libre. Ang aming Voice Recorder ay kayang mag-record ng kahit anong klase ng tunog, panayam, musika, o sariling likhang audio.Kapag na-record mo na ang iyong tunog at napili ang bahagi na nais mong panatilihin, i-export lamang ang iyong audio file at i-download ng libre sa pormat na WAV.

Napakadaling gamitin. Ito ay mahusay na solusyon para sa sinumang nais mag-record ng panayam at muling pakinggan ang audio pagkatapos.

Aling mga katangian ang inihahandog nitong Online Recorder Software?

  • Libre at online
  • Hindi kailangan magrehistro o mag-install ng software
  • Madaling i-crop at i-save ang bahagi ng recording na nais mong panatilihin.
  • I-save ang iyong audio file sa pormat na WAV ng madali at walang bayad.
  • I-pause o ihinto ang pagre-record kung kinakailangan.

Ano ang mga benepisyo ng Online Audio Recorder?

Hindi mabilang ang benepisyong dulot ng pag-record at pag-save ng audio. Halimbawa:

Ilang mga panayam, tawag sa telepono, kurso o pagpupulong ang nais mong muling pakinggan? Hindi ba’t mahusay kung madali mong mare-record ang mga ito sa hinaharap? Pagkatapos, maaari mong pakinggan muli ang mga ito gamit ang na-export na audio files.

Ang pagtatala habang nagsasalita ay maaaring maging mahirap at hindi epektibo. Ang iyong konsentrasyon ay nahahati sa pagitan ng pagsusulat, pakikinig at pagsasalita ng sabay-sabay, na maaaring magresulta sa mga pagkakamali.

Ang paggamit ng online recorder ay nagbibigay-daan na tumutok sa iyong panayam o pagpupulong, ng may kaalaman na maaari itong muling pakinggan kung kailan mo gusto. Kapag tutok ang atensyon sa panayam, ito ay makakatulong na maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Isang magandang ideya ang pumasok sa iyong isipan. Wala kang oras upang tuklasin ito at walang kang panulat at papel para isulat ito. Ang Online Voice Recorder ay magbibigay pahintulot sa iyo na i-record and iyong nasa isip at i-save and iyong WAV file upang mabalikan sa ibang pagkakataon.

Ano nga ba ang Online Voice Recorder?

Ang Online Recorder, o kilala bilang Audio Recorder o Sound Recorder, ay isang teknolohiya na nagre-record ng anumang tunog na nilikha.

Ang mga kagamitang ito ay napakadaling gamitin. Pindutin lamang ang mikropono na icon, pahintulutan ang iyong browser na gamitin ang mikropono ng iyong aparato/device, at simulan ang pagsasalita, pagkanta, o paggawa ng tunog. Salamat sa katangian na pag-export, mabilis mong ma-sasave at mada-download ang audio na maaaring ma-save bilang WAV file.

Sino ang gumagamit ng Online Recorder?

Ang mga Audio Recorder na kagamitan ay perpekto para sa sinumang naghahanap ng madaling pagre-record ng audio na hindi kailangan bumili o mag-install ng software. Ito ay maaaring gamitin ng mga mag-aaral, abalang mga propesyonal, mga musikero, at iba pa.

Ang Online Recorder ay maaaring magpadali ng buhay ng mga taong nais mag-record ng mga mahahalagang panayam, o maiwasan ang sabay-sabay na gawain habang nagsusulat. Maaari din itong makatulong sa sinumang nasisiyahan sa kaginhawaan ng hindi pagta-type o pagsusulat ng kanilang isipan.

Dahil ang aming software ay madaling paandarin at malayang magagamit ng sinuman, madali mong masa-save ang iyong audio recording at mapapakinggan muli anumang oras mo nais.

Pag-troubleshooot

Ang mga sumusunod na problema ay maaaring mangyari:

  • Mabigong makuha ang tunog: Siguraduhin na ang iyong computer ay napansin ang mikropono na nais gamitin.
  • Hindi nabigyan ng pahintulot ang paggamit ng mikropono: Pindutin ang icon ng maliit na mikropono sa address bar ng browser (lalabas ito pagkatapos pindutin ang icon para simulan ang pagdidikta). Dito maaaring baguhin ang pahintulot na payagan ang paggamit ng mikropono.
  • Mali ang mikropono na nakuha ng browser: Pumunta sa settings na naglalaman ng mga pahintulot (tignan sa itaas) at piliin ang tamang mikropono sa listahan.

Kung mayroong ibang isyu sa aming online dictaphone, mangyaring makipag-ugnay sa amin at ilarawan ang problema ng detalyado.

Seguridad at privacy

Ang seguridad ng iyong impormasyon at proteksyon ng iyong privacy ay aming ganap ng inuuna. Ikaw lamang ang makakagamit ng nai-record na audio at ito ay hindi nasa-save sa aming mga server.

Paano buksan ang Online Voice Recorder?

Madali ang pagbukas ng Audio Recorder. Pindutin lamang ang mikropono na icon at simulan ang paglikha ng tunog na nais i-record. Pindutin ang stop button pagkatapos. Papayagan ka ng aming Online Recorder na i-download ang WAV file.

Hindi kailangan magrehistro o magbayad, ito ay ganap na libre. Subukan ito ngayon!

Paano paganahin ang Audio Recorder?

Ang online recorder ay napakadaling gamitin. Pindutin ang mikropono na icon. Kapag lumabas ang senyas, pahintulutan ang aming sound recorder na gamitin ang iyong mikropono at simulan ang pagsasalita. Subukan ngayon, libre ito!

Maaari ko bang i-save ang online audio recording bilang file?

Ang pagsa-save ng iyong online audio recording ay madali. Kapag natapos mo ng i-record ang iyong audio, piliin ang bahagi ng audio na nais mong i-export. Pagkatapos, pindutin ang save upang i-download ang file sa iyong device.